POV: AmaliaIsang linggo ang lumipas...Isang buong linggo na ang nakakalipas mula noong huling araw na lumapat ang mga mata ko sa mukha ng aking ina dito mismo sa aking harapan. Nang pinuntahan nila ako, para lamang muling kumbinsihin ng pag uurong ng kaso. Para iparamdam na naman sa akin, na basura ako. Isang linggo mula nang tuluyan kong bitiwan ang mga natitirang tanikala ng nakaraan at sabihin sa sarili kong hinding-hindi na ako muling uurong.For the first time in my life, kahit alam kong napakaraming pagsubok, legal na sigalot, at matitinding bagyo ang naghihintay sa akin, hindi na ako nararatay sa takot gaya ng dati.Hindi dahil bigla akong naging walang katulad na matapang. Hindi dahil nabura na ang mga sugat sa aking puso.Kundi dahil unti-unti kong natutunan na hindi ko kailangang pasanin o harapin ang matitinding unos ng buhay nang mag-isa.Kaya nang marinig ko ang sunod-sunod, sunod-sunod, at pamilyar na door bell sa pintuan ng aking condo unit nang hapong iyon, agad a
Baca selengkapnya