Ilang araw ang lumipas na tila ba nakalutang ang buong mundo sa hangin bago dumating ang araw na pinakahihintay naming lahat—ang araw ng promulgation ng hatol.Pagpasok ko sa courtroom, agad na bumalot sa akin ang isang napakabigat na katahimikan. Wala na ang dating ingay, ang kaluskos ng mga papel, at ang usap-usapan ng mga tao mula sa mga naunang hearing. Wala na rin ang dating yabang, taas-noo, at matapang na titig sa mga mukha ng mga taong pilit kong hinarap sa loob ng ilang buwan—mga taong nakita kong walang anumang takot nang sirain nila ang aking buhay.Sa harap namin ay nakaupo nang magkakatabi ang mga akusado: sina Earl, Bea, Aleli, Cat, Dana, Jones, at Arcel.Lahat sila ay walang kibo. Lahat ay pilit na nakatitig sa sahig habang naghihintay sa salitang magpapasya ng kanilang kinabukasan.Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay ng aking kaibigang si Jamilla.“Okay ka lang, Amalia?” mahina at nag-aalalang tanong niya sa akin.Tum
Read more