POV: Jay“Ma'am, sir, may I take your order now?”Napatingin ako kay Amalia. Nakatitig siya sa akin nang diretso, ang kaniyang mga mata ay puno ng kaba habang hinihintay ang muling pagsasalita ko tungkol sa naganap na tawag.Ngumiti ako nang bahagya at pilit na ibinalik ang kaswal kong ekspresyon. “Order muna tayo.”“Pero Jay, sino 'yung—” “Gutom na ako,” putol ko sa kaniyang sasabihin.“Kanina ka pa gutom.”“Exactly. Kaya mas lalo akong nagugutom kapag pinaghihintay tayo.”Napailing siya habang pikit-matang bumuntong-hininga. “Fine.”Kinuha niya ang menu at mabilis na itinuro ang ilang pagkain sa naghihintay na waiter. “I'll have the pasta, grilled chicken, fries, and...”“That's a lot,” hirit ko habang nakatingin sa mga itinuturo niya.Mabilis siyang napatingin sa akin, nakataas ang kaniyang kilay. “May reklamo ka?”“Wala po. Tuloy mo lang.”“Good.”Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya. “Pero baka ikaw lang ang makakain ng lahat ng iyan.”“Hindi ako nag-iisa,” mabilis niyang sa
Read more