Upang maalis ang matinding tensyon sa pagitan namin ni Angelo, iginiya kami ni Tita Selena patungo sa mahabang lamesa kung saan nakahain ang iba’t ibang uri ng finger food at inumin. Sinabihan kami ng matanda na kumain muna at uminom nang kaunti habang hindi pa nagsisimula ang programa.Nang makalapit ako sa lamesa, literal na napanganga ako sa aking mga nakita. Maraming mga pagkain ang ngayon ko laang nasilayan sa buong buhay ko. Sanay ako sa mga simpleng handaan sa Batangas—lumpiang shanghai, pancit, at sinukmane—pero dine, ibang-iba ang antas ng mga kakainin namin. May mga maliliit na tinapay na may nakapatong na kulay itim na parang maliliit na itlog, caviar pala ang tawag, mga mamahaling keso na iba-iba ang hugis, at mga hiwa ng karne na nakapulupot sa mga prutas. Mayroon ding mga kakaibang panghimagas na may gintong papel pa sa ibabaw na nakakain naman daw ayon sa isang waiter."Huwag mong ipahalata na ngayon ka lang nakakita ng ganiyan, Jamilla," bulong sa akin ni Angelo na n
Magbasa pa