“Makinig ka,” sabi niya habang umuupo sa tabi ko at hinahawakan ang balikat ko. “Tatawagan mo kami agad kapag may kailangan ka. Malapit lang kami.”Huminga ako nang malalim at tumango. “Okay po, Pa.”“Babalik ako rito kasama ang Mama mo bukas,” dagdag pa niya. “Gusto ka ring makita at yakapin ng Mama mo, pati na rin si Denis.”Napangiti ako nang bahagya. “Talaga po?”“Oo naman. Nag-aalala rin iyon nang labis sa inyo.”Bahagyang lumuwag ang masikip kong dibdib. At least, hindi ko kailangang pasagutin sa sarili ko ang lahat ng ito nang matagal.Subalit may isang mahalagang bagay na biglang pumasok sa isip ko.“Pa… puwede po bang isama ninyo si Amiel kapag bumalik kayo?”Sandaling natahimik ang silid. Tumingin si Papa sa akin, pagkatapos ay dahan-dahang umiling.“Sa ngayon, huwag muna, anak.”Napakunot ang noo ko, naramdaman ang bahagyang pagtutol sa dibdib. “Bakit po? Gustong-gusto na po niyang makita ang Daddy niya.”“Rendy, marami pa ring may sakit dito sa ospital,” mahinahong paliwan
Read more