Nang makarating kami sa mamahaling restaurant, agad kaming itinuro ng waiter sa isang pribadong kwarto. Nasa isang malaking mesa na sina Tita Hilary, Tito Justine, at ang anak nilang si Micah.Nang napasulyap ako kay Micah, napangiwi ako. Nakasuot siya ng itim na tube top na tinernuhan ng blazer, maikling palda, at may manipis na net sa mga binti. Para siyang bagong galing sa isang party na hindi pa tapos.Nang mapansin niyang nakatingin ako, ngumiti siya nang napakalapad. “Hi, Amiel!”Napilitan akong ibalik ang ngiti. “Hi.”Habang kumakain kami, nagpalitan ng usapan ang mga matatanda tungkol sa negosyo at sa planong pag-aasawa. Maya-maya, biglang nagtanong si Micah sa harap ng lahat.“So, Amiel, do you have someone?”Napatigil ang kamay ko. Nilingon ako ng buong pamilya ko.Napabuntong-hininga ako. “Yes. Girlfriend.”Saglit na nagbago ang timpla ng mukha ni Micah bago tumingin kay Mommy, na agad namang sumingit: “Hindi naman seryoso iyon.”“Mommy, hindi mo alam kung gaano kaseryoso a
Baca selengkapnya