"Sinasabi ko na nga ba, sa probinsya ka lang dapat. Napakabilis mong magtiwala sa mga tao rito," patuloy ni Angelo habang nakapamulsa pa rin at nakatitig sa akin nang malamig. "Sa susunod, huwag kang iinom ng kahit ano mula sa kahit kanino kung wala ako sa tabi mo. Maliwanag?"Napatango ako nang bahagya. Sa ilang saglit na iyon, nakaramdam ako ng kaunting init sa aking puso. Kahit papaano pala ay may pakialam ang masungit na lalaking ito sa kaligtasan ko. Akala ko ay tuluyan na siyang nagbago at handa na siyang maging maayos ang pakikitungo sa akin. Kanina, sa totoo lang, mukha siyang superhero sa paningin ko—isang tagapagligtas na dumating sa tamang oras para iligtas ako sa kapahamakan.Ngunit ang akalang kong kabaitan ay mabilis na naglaho nang muling bumuka ang kaniyang bibig."At huwag ka kasing tatanga-tanga, Jamilla," dugtong niya, na siyang nagpabura sa kaunting pasasalamat na nararamdaman ko. "Ang mga mayayaman sa siyudad, mapaglaro ang mga 'yan. Akala mo ba ay totoong humahan
Magbasa pa