Nagdahan-dahan akong huminga, pilit na pinatutulo ang mga luhang ginusto ko ring lumabas."Kaibigan ng pamilya ninyo ang mga magulang niya, Amiel," pabulong kong sambit, puno ng huwad na pag-aalala. "Matagal na silang magkakakilala sa iba't ibang business circles. Ayokong ako ang maging dahilan para masira o magkaalitan ang pamilya ninyo.""Ano naman kung magalit sila?" mabilis niyang sagot, seryoso ang boses.Napatingin ako sa kaniya, pilit na nagpapaka-inosente. "Amiel...""Hindi ibig sabihin na malapit na kaibigan ng pamilya namin ang mga Lorenzo ay puwede na niyang gawin at sabihin ang gusto niya sa iyo.""Pero hindi naman niya ako sinaktan nang pisikal...""Kung ganoon, bakit ka nagkakaganyan?"Muli akong yumuko, pinagkrus ang aking nanginginig na mga daliri. "Dahil natatakot ako."Natahimik siya. At sa katahimikannya, hinayaan kong bumagsak ang isang patak ng luha sa aking pisngi. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang gilid ng aking damit, na para bang ikinahihiya ko pang makita
Read more