Napailing ako nang may pagkaasar. "Napakagaling mo talaga.""Anong ibig mong sabihin?" mabilis niyang tanong, tumataas ang boses."Ni hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang totoong nangyari. Hindi mo man lang ako binigyan ng kahit sandaling pagkakataong magsalita o magpaliwanag. Pumasok ka rito na galit na galit ang mukha, at ngayon ay gusto mong akuin ko ang isang kasalanang hindi ko naman kailanman ginawa."Tumayo siya nang biglaan mula sa kaniyang silya, matigas ang tindig. "Don't you dare lie to me, Micah."Naramdaman kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tindi ng pagkainis.Hindi ko inaasahang ganito ang magiging direksyon ng usapan namin ngayong umaga. Oo, alam kong may mga araw na hindi niya lubusang magustuhan ang presensya ko. Alam ko ring pilit siyang ipinagkasundo sa akin at wala siyang balak na pakasalan ako. Alam kong para sa kaniya, bilang executive secretary, ay wala akong espesyal na karapatang manghimasok sa kaniyang personal na buhay.Ngunit kahit kailan,
Read more