Hinintay ko pa nang ilang segundo bago tuluyang maputol ang linya ng tawag.Napakunot ang noo ko. Muli ko siyang tinawagan.Sa pagkakataong ito, mas matagal bago tuluyang naputol ang tawag sa kabilang linya. Ngunit wala pa rin.Napabuntong-hininga ako nang may bahid ng inis. "Come on, Mommy..."Hindi naman karaniwang hindi sumasagot si Mommy tuwing ako ang tumatawag sa kaniya. Kahit pa madalas kaming mag-away o magkasalungat ang mga pananaw sa buhay, kadalasan ay sasagutin niya ang telepono upang sermonan ako o kaya ay tanungin kung ano na naman ang kailangan ko sa kaniya.Ngunit ngayong araw na ito, hindi man lamang niya binigyang-pansin o sinagot ang tawag ko.Dahil sa pagtataka, kinuha ko ang linya ng telepono ng kaniyang sekretarya sa labas."Good morning, Chairman's office," bati nito nang mabilis na masagot ang tawag."This is Amiel," malamig kong panimula. "Is my mother available right now?""Good morning po, Sir Amiel. Kasalukuyan pong nasa isang mahalagang meeting si Madam."
Read more