Caroline's POVInisa-isa namin ang lahat ng newspaper na dala niya, pati na rin ang mga naka-print na papel at ang mga dokumentong nakasiksik sa loob ng mga folder. Nakalapag ang mga ito sa mesa habang matyaga naming binabasa ang bawat linya.“Ni isang balita tungkol sa girlfriend o asawa ni Sir Tobias, wala talaga, bes,” basag ni Jade sa katahimikan habang binubuklat ang huling pahina ng hawak niyang diyaryo.“Kahit nga tungkol sa nililigawan, wala rin eh,” pagsang-ayon ko.“So ibig sabihin, hindi sa ayaw ka nila para kay Sir Tobias, kundi ayaw talaga nilang magkaroon siya ng partner—kahit sinong babae pa iyan,” konklusyon niya na animo’y isang batikang detective na nakadiskubre ng malaking kaso.“Pero bakit?” Ito ang tanong na kagabi pa naglalaro at paulit-ulit na nagpapatakbo sa isipan ko.“Iyon ang hindi ko alam, pero there could be a lot of reasons.”“Sige nga, anong rason naman ang naiisip mo?” tanong ko habang nakatitig sa kaniya.“Hmm… sa iilang taon ko na experience sa media,
Last Updated : 2026-07-04 Read more