Caroline’s POVCaroline’s POV“Caroline,” mabilis na sita sa akin ni Dad, halos magkasalubong ang mga kilay.“He said that?” tanong sa akin ni Toby, natitigilan. “Oo. Nung pumunta sila rito kasama 'yung ate mo, kung magsalita sila, parang napakababa naming uri ng tao. Pati parents ko hindi nila pinalampas sa pang-iinsulto,” deretsahang sagot ko.Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Pero 'yung lahat ng inis na naipon ko sa pamilya niya nitong mga nakaraang araw, biglang umakyat sa ulo ko.“Ehem!” pagtikhim ni Dad para makuha ang atensyon namin. “Kain na tayo. Nagpaluto ako ng pininyahang manok, balita ko paborito mo raw ito.”Pilit talaga nilang iniiba ang usapan para hindi maging awkward ang hapunan.“Oo nga, heto oh, ipaghahain kita,” nakangiting dagdag ni Mommy.Muli akong napairap nang kunin ni Mama ang bowl ng ulam para sandukan si Toby. Pero bago pa man siya makapaglagay sa plato, tumayo si Toby at maingat na kinuha ang bowl mula sa kaniya.“Mrs. Monte Carlo, a
Last Updated : 2026-06-29 Read more