KIARRA DE VERA'S POVHindi pa sumisikat ang araw, gising na ako. Hindi dahil excited ako, kundi dahil sa message ni Ethan kagabi na parang ghost sa isip ko: We need to talk before tomorrow’s meeting.Pinilit kong bumalik sa tulog, pero wala—ang ending, nakatitig lang ako sa kisame, iniisip kung ito ba ‘yung sign na dapat na akong mag-alala. Kinuha ko ang phone, nagbakasakali na may bagong message si Larkin. Sakto, may isa mula kagabi.I’m proud of you.Napangiti ako, kahit may kaba pa ring kumakapit sa dibdib ko. Tinype ko, I’m nervous, pero dinelete ko rin. Ayoko namang magpaka-damsel ngayon. Sa halip, nag-send ako ng pinaka-safe na reply: Good morning.Halos agad, nag-reply siya.Morning. Eat.Napailing ako, natatawa. “Bossy,” bulong ko, pero hindi ko rin mapigilang mapangiti habang binabasa ‘yon. Swerte ko pa rin, kahit malayo siya, personal alarm clock at food police ko pa rin.Maaga akong dumating sa opisina. Inabutan ko si Ethan, seryoso ang mukha, walang halong biro ngayon. Par
Last Updated : 2026-09-04 Read more