Gabriel Del Fuego Cortez’s POVAng buong Shangri-La Ballroom ay tuluyang nabalot ng isang nakatutulig at nakakabinging katahimikan. Walang sinumang nagtangkang gumalaw. Ang bawat kilalang tao sa negosyo, ang mga diplomat, at ang mga foreign board members ay nakatitig sa amin. Ang mga flash ng camera mula sa opisyal na press media ay patuloy na pumupukpok, nagpapalitaw sa bawat sulok ng trahedya sa gitna ng red carpet.Inagaw ni Don Drake Cortez ang mikropono sa podium. Ang kaniyang boses ay umalingawngaw nang malamig at may matatag na awtoridad sa buong dambuhalang silid." Ladies and gentlemen of the business community," pambungad ng aking ama, ang kaniyang mga mata ay tulad ng sa isang leong nakatitig sa pumatay niyang kaaway. "What you are witnessing tonight is not a mere corporate glitch. It is a calculated, criminal infiltration executed by the Montenegro syndicate."Inangat ni Mateo ang kaniyang encrypted tablet. Sa isang pindot lamang ng kaniyang daliri, ang dambuhalang 30-foot
Last Updated : 2026-09-17 Read more