VENICE’S POVBATANES — PAGKALIPAS NG ISANG TAONAng amoy ng maalat na hangin mula sa Pacific Ocean, ang lagaslas ng mga alon sa paanan ng mataas na talampas, at ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kulay berdeng damuhan ang sumalubong sa akin ngayong umaga.Nakatayo ako sa beranda ng aming bagong gawang puting resthouse sa Batanes. Ang bahay na ito ay pinalilibutan ng malalaking glass windows, may malawak na wooden porch, at walang matataas na pader ng takot o mga armadong guwardya na nakatago sa paligid. Ang tanging naroroon ay ang purong katahimikan, ang ganda ng kalikasan, at ang ingay ng tawanan ng aming pamilya.Isang taon na ang nakalilipas mula noong matapos ang madugong digmaan sa pagitan ng aming pamilya, ng mga Alvarez, at ng aking biological father na si Alexander Valderama. Sa loob ng isang taong iyon, dahan-dahang naghilom ang aming mga sugat sa katawan at sa puso. Si Alexander Valderama at ang kanyang mga natitirang tauhan ay pormal nang pinalalabanan sa korte
Last Updated : 2026-09-21 Read more