IUHENCE’S POV"Boss, sigurado ka ba rito?" nanginginig ang boses ni Hector habang mabilis na binabagtas ng itim na SUV ang dalampasigan at madilim na kalsada patungong Geneva Central Hospital. "Nasa loob ng mansion-hospital ng Donya ang buong pampribadong hukbo ng mga Alvarez. Kapag pumasok tayo nang walang pormal na search warrant mula sa korte ng Switzerland, maituturing itong matinding paglabag—""Wala akong pakialam sa batas ng Switzerland, Hector," malamig, garalgal, at nakakapangilabot kong utos habang inilalagay ang silencer sa dulo ng aking baril.Pinaligas ko ang aking panga. Tinitigan ko ang pampribadong folder na hawak ko sa aking kandungan.Sa loob ng dalawang linggo na hindi ako kinakausap ni Venice, habang tinitiis ko ang bawat mura at lamig ng kanyang boses sa akin sa Geneva, hindi ako tumigil sa paghukay sa nakaraan. Pinakilos ko ang pinakamagaling na pampribadong investigator mula sa London para pasukin ang medical registry ng klinika sa Zamboanga at sa Switzerland no
Última actualización : 2026-09-21 Leer más