VIOLET’S POVHindi ako nakatulog pagkauwi ko mula sa Zurich. Bawat pikit ng mga mata ko, pabalik-balik sa isip ko ang eksena sa garden—si Damian na nakangiti, hawak ang kamay ni Chloe Marie, habang ako ay nakatayo sa malayo na para lang isang anino."Violet, iha," mahinhin na tawag ni Mommy Venice habang pumasok sa study room ko dito sa aming bahay sa Maynila at London. "Dumating ang invitation mula sa pamilya Valderama at Alvarez."Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Namumugto pa rin ang mga mata ko. "A-Anong invitation, Mommy?"Mabigat ang buntong-hininga ni Mommy bago inilapag ang isang napaka-eleganteng white and gold card sa mesa ko."You are cordially invited to the Welcome Back & Engagement Party of Damian Alvarez and Chloe Marie Sandoval."Parang may sumaksak ng kutsilyo sa mismong puso ko at dahan-dahang pinaliko ito sa loob ng dibdib ko. Nanlabo ang paningin ko sa mga luhang agad na pumatak sa imbitasyon."Hindi ka kailangang pumunta, anak," alala ni Mommy sabay haplos sa b
Last Updated : 2026-09-22 Read more