DAMIAN’S POVDahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Sobrang bigat ng mga talukap ko, parang may nakatabon na bato. Masakit pa rin ang buo kong katawan, pero wala na ang nag-aapoy na init at panginginig sa loob ng dibdib ko. Sa braso ko, nakakabit ang mga IV drip at tubo ng antibiotics.Mabilis kong tinitigan ang paligid ng pampribadong silid."V-Violet...?" garalgal at paos kong usal habang pilit kong itinutulak ang sarili ko para maupo sa kama. "Violet!"Subalit imbis na si Violet ang lumapit...Nakatayo sa gilid ng bintana si Gabriel Morgan. Nakasuit siya, pinalilibutan ng dalawang pampribadong doktor. Nang makita niyang gising na ako, itinaboy niya ang mga doktor palabas ng silid."G-Gabriel..." hingal kong tawag habang tinatangkang tanggalin ang IV needle sa kamay ko. "Nasaan si Violet?! Nasaan ang kapatid mo?!"Mabagal na lumapit si Gabriel sa tapat ng kama ko. Walang galit sa mukha niya... puro lang pait, pamanhid, at matinding pagod."Huwag mong tanggalin 'yan, Alvarez,"
Terakhir Diperbarui : 2026-09-23 Baca selengkapnya