VIOLET’S POVAng bawat paghinga sa loob ng dambuhalang silid na ito ay punong-puno ng init, amoy ng whiskey, pawis, at ang hindi mapatay-patay na usok ng matinding pagnanasa. Umuungal ang bagyo sa labas ng bintana ng penthouse, at ang patak ng ulan sa salamin ay tila mga luhang hindi na rin humihinto sa pag-agos.Matapos ang paulit-ulit at walang patid na pagtatagpo ng aming mga katawan sa gitna ng madilim na silid—mga oras na puno ng pait, marahas na ungol ng matagal nang kinikimkim na pagnanasa, at ang hindi mapigil na pag-angkin ni Damian sa akin—nakalubog pa rin ang buo niyang bigat sa ibabaw ng katawan ko.Ang kanyang malapad na braso ay nakapulupot nang napakahigpit sa aking baywang, na para bang kahit sa gitna ng kanyang pagtulog ay takot na takot siyang mawala ako uli sa piling niya. Ang kanyang mukha ay nakasubsob sa nakalantad kong leeg, at sa bawat mabigat niyang paghinga, nararamdaman ko ang init ng kanyang balat sa akin."D-Damian..." mahina kong usal sa garalgal at nangi
Last Updated : 2026-09-24 Read more