Nang magising si Clara, sikat na ng araw ang sumasalubong sa malalaking glass windows ng kanyang silid. Tiningnan niya ang relo sa kanyang tabi alas-otso na ng umaga. Dahil sa matinding pagod kagabi mula sa emergency surgery kay Mateo, nakatulog siya nang mahimbing sa napakalambot na kama ng mansyon ng mga Valdez.Mabilis siyang bumangon, naghilamos, at nagpalit ng isang simpleng t-shirt at maong na pantalon. Pagkababa niya sa malawak na kusina, laking gulat niya dahil napakatahimik ng buong paligid. Ang mga katulong ay abala sa paglilinis sa ibang bahagi ng bahay, at ang kusinang gawa sa mamahaling stainless steel at marmol ay walang kahit anong usok o amoy ng pagkain.Nakita niya si Herminia, ang matandang mayordoma, na kasalukuyang nag aayos ng mga mamahaling plato sa dining area.Herminia, nasaan si Alex? tanong ni Clara habang lumalapit.Lumingon ang matanda, pormal pa rin ang mukha ngunit may kaunting ingat na ngayon sa kanyang boses matapos siyang barahin ni Clara kahapon. Nasa
Last Updated : 2026-07-01 Read more