Chapter 72Alena’s POVUmalis ako sa mansiyon habang tulog ang lahat. At sa bagay na iyon, kayang-kaya ko naman silang lusutan. Sanay na rin akong gumawa ng paraan para hindi mahalata ang mga kilos ko. Nag-iwan na lang ako ng paunang mensahe kay MJ, sinabi kong aalis din ako para samahan si Tiya. Kung saan kami pupunta, bahala na. Ang mahalaga, may dahilan ako kung sakaling may magtanong kung bakit wala ako sa mansiyon.“Alena, saan ba tayo pupunta?”“Tiyang, sumama ka na lang. Bibigyan kita ng pera.”Napatingin siya sa akin na para bang hindi pa rin kumbinsido sa biglaang pag-alis namin.“Basta tandaan ninyo iyong mga detalyeng sasabihin ko, ha? Para kapag nagtanong ang jowa ko, malinis na malinis ang kasinungalingan natin.”“Bakit, hindi ba niya alam?”“Kaya nga ho magsisinungaling eh. Dahil hindi niya dapat malaman.”“At bakit hindi?”“Ay naku, Tiyang! Kilala mo naman ang mga mayayaman. Feeling nila pag-aari ka nila. Gusto nilang lahat ng kilos mo, alam nila. Pati paghinga mo yata
Terakhir Diperbarui : 2026-11-10 Baca selengkapnya