Third Person“Mom, Dad, please... tell me what I need to know,” pilit ni Franco, halos hindi na maitago ang pagkainip sa kanyang boses.Salit-salitan niyang tinitigan ang mga magulang, umaasang kahit isa sa mga ito ay tuluyang magbukas ng bibig at sabihin sa kanya ang mga bagay na pilit nilang itinatago.Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang mariing pinagdidikit ang mga labi. Hindi niya gusto ang ganitong sitwasyon, lalo na kapag alam niyang may mahalagang bagay na hindi sinasabi sa kanya ng sarili niyang pamilya.“Come on, Dad. Mom. Hindi naman siguro masamang malaman ko kung ano talaga ang nangyayari, right? I deserve to know, especially kung may kinalaman ito kay Joanne.”Huminga nang malalim ang kanyang ama bago sumagot. Bahagya nitong ibinaba ang tingin na para bang maingat na pinipili ang mga salitang bibitawan, saka muling itinaas ang ulo at sinalubong ang nag-aalab na mga mata ng anak.“Sa ngayon, iyon lang muna ang masasabi namin ng Mommy mo,” seryosong tugon ni Kiko Villa
Last Updated : 2026-10-15 Read more