Third PersonHindi na rin nagtataka si Gabe kung bakit nangyayari iyon.Si Franco Villareal ay hindi lamang isang makapangyarihang gobernador; isa rin itong lalaking may pambihirang kakisigan, malakas na personalidad, at kayamanang sapat upang maging sentro ng atensyon ng maraming tao.Hindi kailanman nagkulang ang lalaki sa mga babaeng nagkakagusto at naghahabol sa kanya, kaya hindi imposibleng mahulog ang isang babaeng gaya ni Joanne sa kanyang mga paa.Ang problema, hindi iyon dapat mangyari."Stay in your lane, Joanne," huling paalala ni Gabe, malamig at walang puwang para sa anumang pagtutol. "Kung ano lang ang ipinag-uutos ko, iyon lang din ang gagawin mo. Huwag kang gagawa ng sarili mong hakbang nang hindi mo muna ako kinokonsulta. Hindi kita binigyan ng pagkakataong ito para maghabol sa isang lalaki at kalimutan ang tunay mong misyon. Are we clear?"Napapikit si Joanne at marahang napabuntong-hininga."Okay... naintindihan ko," mahinang sagot niya, pilit na pinananatiling maam
Last Updated : 2026-10-12 Read more