GeorginaTahimik lamang na nakikinig si Reed sa lahat ng sinasabi ko. Hindi siya kahit isang beses nagtangkang sumingit o putulin ang mga kuwento ko, kahit alam kong marami siyang gustong itanong.Nanatili lamang siyang nakaupo sa tabi ko, seryosong nakikinig habang unti-unti kong inilalabas ang mga bagay na ilang taon kong itinago sa pinakailalim ng aking puso.Sa tuwing nababanggit ko ang mga panahong kailangan kong kumitil ng buhay para lamang mabuhay, napapansin ko ang bahagyang pagkirot sa kanyang mukha.Minsan ay bahagyang kumikislap ang gulat sa kanyang mga mata, at may mga sandaling naninigas ang kanyang panga na para bang nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanang ganon ang naging buhay ko.Pero kahit kailan, wala akong nakitang takot sa kanyang mga mata.Walang pag-atras.Walang pag-aalinlangan.Walang kahit anong senyales na iniisip niyang maaari ko rin siyang saktan.Sa halip, habang mas marami akong ikinukuwento, mas lalo lamang lumalalim ang pag-aalala sa kanyang mukh
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-03 อ่านเพิ่มเติม