FrancoLinggo na, at bukas ay babalik na ako sa isla. Dapat ay nakakaramdam na ako ng kaunting excitement sa nalalapit naming pag-uwi, lalo na't may magandang balita akong kailangang ibahagi sa mga magulang ko.Sa wakas, matapos ang napakahabang panahon ng paghahanap, natagpuan ko na rin si Jo, ang anak ng matalik na kaibigan nina Mommy at Daddy. Ngunit sa kabila ng magandang balitang iyon, hindi pa rin ako lubos na mapakali dahil may isa pang taong patuloy na sumasakop sa isip ko—si Georgina.Damn it! Paano ba naman ako magiging kalmado kung hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuha kahit katiting na impormasyon tungkol sa kanya?Ilang araw na akong pabalik-balik sa pag-check ng mga report, umaasang may makikita akong kahit anong lead na magtuturo sa kung nasaan siya, pero sa bawat pagkakataon ay pare-pareho lang ang resulta. Wala. As in, absolutely nothing!Kahit ang grupo ng mga tauhan ni Mon, na kilala sa pagiging mabilis at mahusay sa pangangalap ng impormasyon, ay tila bigla
Última actualización : 2026-10-06 Leer más