Georgina“Siya si Mr. Reed Mondejar,” sabi ko kay Franco.Hindi ko naman talaga naisip na kailangan ko siyang ipakilala, lalo na’t hindi ako sigurado kung nagkakilala na ba sila noon o nagkita lamang somewhere. Sa totoo lang, wala akong idea kung ano ang relationship nila sa isa’t isa. Ang alam ko lang, mula nang lumapit sa amin si Franco, biglang nag-iba ang atmosphere sa paligid.Kanina ay maayos naman ang pag-uusap namin ni Reed tungkol sa garden at sa mga bulaklak, pero ngayong narito na si Franco, parang may invisible tension na biglang sumingit sa pagitan naming tatlo.Hindi ko gusto ang ganoong pakiramdam.Feeling ko tuloy ay may conversation na nangyayari kahit wala namang nagsasalita. Nagkakatinginan sina Franco at Reed na para bang may mga bagay silang parehong alam at ako lang ang hindi nakakaalam. At dahil ayokong ma-stuck sa gitna ng ganoong klaseng awkward silence, nagsalita na lang ako para kahit paano ay maputol ang kakaibang tensyon.“Hello, Mr. Mondejar,” bati ni Fra
آخر تحديث : 2026-08-05 اقرأ المزيد