Third PersonSinubukan muli ni Georgina na makawala sa pagkakahawak ni Franco, ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya magawa. Alam niya sa sarili na kulang ang depensa at opensang binibigay niya.Kung normal na sandali lamang iyon at malinaw sa kanyang isip na kailangan niyang lumayo, alam niyang kaya niya. She’s a fighter. Ilang beses na siyang napunta sa mga sitwasyong dapat ay hindi na siya nakaligtas, pero sa bawat pagkakataon, nagawa niyang lumaban, kumapit, at mabuhay dahil sa tapang, lakas, at matinding pagnanais na manatili sa mundong matagal nang sinusubok na agawin sa kanya.Kung gugustuhin talaga niya, alam niyang kaya niyang makawala sa pagkakahawak ni Franco.Kaya niyang itulak ang lalaki. Kaya niyang lumayo. Kaya niyang gamitin ang lahat ng natutuhan niya para protektahan ang sarili.Ngunit hindi niya ginawa.At ang pinakanakakainis sa lahat, it was because of the feeling his touch gave her.Ang alam niya, may kakaibang bahagi sa kanyang pagkatao na ayaw kumawala sa
آخر تحديث : 2026-08-20 اقرأ المزيد