Georgina Hindi pa tuluyang nawawala ang pagkabigla sa mukha ni Mama Cors nang mahigpit niya akong hilahin papasok ng bahay. Mabilis niyang isinara ang pintuan, saka sumilip sa maliit na bintanang nasa tabi nito. Ilang segundo niyang sinuri ang paligid, tila tinitiyak na walang nakakita sa pagdating ko. Nang makuntento siyang ligtas kami, saka lamang siya nakahinga nang maluwag. “Halika, anak. Maupo ka,” malumanay niyang aya. Tahimik akong sumunod at naupo sa lumang sofa sa maliit niyang sala. Tila hindi nagbago ang bahay kumpara sa huli kong alaala, kundi lang lumang-luma na ang mga kasangkapan, kupas na ang pintura ng mga dingding, at naroon pa rin ang amoy ng kahoy na matagal nang nakababad sa panahon. Simple lang ang bahay, pero pakiramdam ko ay nakabalik ako sa isang bahagi ng pagkabata ko na matagal kong inakalang tuluyan nang nawala. Umupo si Mama Cors sa tabi ko. Hindi siya nagsalita agad. Sa halip ay pinagmasdan niya lamang ako nang matagal, para bang natatakot siyang ali
آخر تحديث : 2026-07-12 اقرأ المزيد