Third PersonKasama si Georgina, dahan-dahang naglakad ang pamilya Villareal patungo sa mismong venue ng pagdiriwang. Habang papalapit sila, mas lalong naging kapansin-pansin ang engrandeng paghahanda ni Reed Mondejar.Ang malawak na hardin sa harap ng mansyon ay napalamutian ng mga warm lights na nakasabit sa matatandang puno, habang ang mga eleganteng floral arrangements ay maayos na nakahilera sa magkabilang gilid ng daanan. Sa di-kalayuan ay maririnig ang banayad na tugtog ng isang string quartet na lalong nagbigay ng pormal at marangyang ambiance sa buong okasyon.Hindi rin basta-basta ang mga panauhin. Halos lahat ng naroon ay kilalang personalidad sa isla—mga negosyante, may-ari ng malalaking kumpanya, doktor, abogado, at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.Mayroon ding mga bisitang halatang hindi taga-isla dahil sa kanilang mga mukha at paraan ng pakikisalamuha. Isang tingin pa lamang ay sapat nang sabihin na hindi simpleng housewarming party ang dinaluhan nila kundi isan
آخر تحديث : 2026-07-29 اقرأ المزيد