CAIUS's POV Kinabukasan.Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang mapansin kong wala pa rin si Rhianna sa opisina.Nakatitig ako sa relo ko habang tahimik na nakaupo sa likod ng mesa.Karaniwan, nasa desk na siya bago pa ako makarating. Napatingin ako sa pintuan ng opisina, naghintay ng ilang minuto ngunit walang pumasok na Rhianna.Muli kong ibinalik ang tingin sa laptop, at sinubukang ituon ang atensyon sa trabaho. Pero lumipas ang mahigit kalahating oras ay napamura ako nang mariin."Sh*t..." i hissed because i couldn't focus on my job.Kinuha ko ang cellphone ko. Hinahanap ko ang pangalan niya sa contacts. Pinindot ko ang call botton. Ngunit walang sumagot. Huminga ako nang malalim at muli itong tinawagan pero ganoon pa rin ang resulta. Gusto kong isipin na baka tulog pa siya, pero alam ko na imposible, dahil kahit day-off niya ay sumasagot siya sa tawag ng HR...at kahit na sino pang empleyado.Naramdaman kong unti-unting sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero may ku
Last Updated : 2026-08-15 Read more