Last night.Parang biglang bumalik ang lamig sa tiyan ko nang marinig ko iyon.Mukhang naramdaman ni Gavin ang pagbabago ko, kaya binabaan niya ang boses niya.“Ysa,” tawag niya, “may gagawin si Victor mamaya. Just… follow his lead.”Napatango ako.Hindi ko pa alam kung ano iyon, pero mas pipiliin ko pang may malinaw na plano kesa sa lumang takot na walang direksyon.Nang pumasok ako sa study room, nandoon na si Liane, at sa gilid ay nakatayo si Victor.Hindi siya nakaupo.Hindi rin siya relaxed.Para bang may malaking pulong pa rin siyang hinahawakan kahit nandito siya para sa akin.“Good morning,” pormal niyang bati.“Good morning din,” mahina kong sagot.Tiningnan niya ang nakabandage kong tuhod.“Better?” tanong niya.“Opo,” sagot ko. “Mas okay na.”Tumango siya, saka ibinaling ang tingin kay Liane. “Start.”Binuksan ni Liane ang laptop, pero sa halip na spreadsheet, ibang screen ang bumungad sa amin.Settings.Privacy.Security.“Today,” simula ni Liane, “we’re going to make your
Última actualización : 2026-10-18 Leer más