Kaya pinilit kong kumain.Tinapos ko ang toast, humigop ng tsaa, at ibinuhos ang buong atensyon sa init ng tasa sa aking mga palad.Nang pumasok si Victor sa villa, hindi siya dumiretso sa amin agad.Una niyang ginawa ay ang mag-scan sa paligid—sinuri ang bawat pinto, bawat bintana, at ang mga taong nakapaligid.Para bang kahit nasa loob kami ng napakaligtas na lugar, hinding-hindi siya nagpapakampante kailanman.Pagkatapos noon, saka lang siya lumapit at tumingin sa akin.“Good morning,” pormal niyang bati, pantay ang tono.“Good morning din po,” sagot ko.Bumaba ang tingin niya sa nakabandage kong tuhod. “Pain?”“Konti na lang po,” tapat kong sagot.Tumango siya, tapos ay tumingin kay Steven. “After tutoring. Check her wound again.”“Yes, sir,” sagot ni Steven.Binigyan ako ni Kianna ng isang makahulugang tingin na para bang sinasabing nagiging boss mode na naman ito.Pero sa totoo lang, hindi naman ako naiinis.Ewan ko ba.Siguro ay mas okay nang may ganitong klase ng proteksyon ka
Dernière mise à jour : 2026-10-18 Read More