Hindi dahil galit ako sa kanya, kundi dahil ayoko na siyang maging “lifeline” ko.Pero sino ang ilalagay ko?Si Kianna?Si Gavin?Si Victor?Parang biglang uminit ang magkabilang tainga ko.“Any problem?” tanong ni Ma’am DC, diretso ang tingin sa akin.Umiling ako kahit hindi totoo.Then, dahan-dahan, humawak ako sa ballpen at nagsulat.Emergency contact: Kianna Sandoval.Hindi ko alam kung bakit siya, pero siya ’yung pinaka… present. Siya ’yung taong hindi mo kailangang suyuin o pagmakaawaan para lang manatili.Pagkatapos, tiningnan ko ulit ang form bago inabot kay Liane.“Good,” sabi ni Liane.Hindi pa rin ako sanay sa salitang “good” na walang kasunod na “pero.”“Now,” sabi ni Ma’am DC, “we’ll do something harder.”Binuksan niya ang laptop ko at nag-open ng spreadsheet.Nanlaki ang mga mata ko.“Hindi pa ako ready,” gusto kong sabihin, pero naalaala ko ’yung phrase sa whiteboard kahapon: You are allowed to ask.So I asked.“Ma’am, ano po ba ’to?”“Tracker,” sagot niya. “Inventory a
Dernière mise à jour : 2026-10-18 Read More