Hindi ko pa binitiwan ang pangalang Vivian sa harap niya ngayong umaga. Hindi ko pa ipinilit ang buong bigat ng katotohanan. Dahil alam kong kailangan muna niyang maramdaman ang seguridad bago niya tanggapin ang panibagong mundo.“Sige po,” sagot niya, kahit higpitan niya ang hawak sa kanyang notebook.“Follow me,” utos ko.Naglakad ako sa kanyang tabi—pinalalabas ang sapat na distansya upang maramdaman niyang hindi ko siya pinipilit, subalit naroon ako bilang isang pader na magtatanggol sa kanya.Sa clinic wing ng villa, nakatayo si Steven. Pormal at blangko ang mukha tulad ng nakasanayan, subalit sa sandaling makita niya si Ysabelle, agad na umigting ang kanyang seguridad at pokus.“Ms. Ysa,” pormal niyang bati.“Ysa na lang po,” mabilis niyang tugon, may kaunting kaba sa boses.Tumango si Steven at inihanda ang kinakailangang sterile kit. “A simple finger-prick protocol. Very quick.”Napatingin si Ysabelle sa akin, tila naghahanap ng kasiguraduhan sa aking mga mata.Hindi ako ngumi
Última actualización : 2026-10-21 Leer más