Ysabelle Cuevas (Ysa)Nagising akong parang hindi talaga nakatulog.Ang mga mata ko, parang ipinikit ko lang nang saglit—tapos pagbukas, naroon pa rin ang pamilyar at mabigat na pasanin.Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang oras, dahil ramdam ko sa lamig ng hangin na madaling-araw pa lamang. Iyong uri ng lamig sa Floresta na tahimik, hindi nananakot, pero hindi rin nagpapalimot sa mga nangyayari.Huminga ako nang malalim, tapos napatingin sa aking telepono na nakapatong sa bedside table.Hindi ko ito hinawakan.Parang takot akong malaman kung may bago na namang natanggap na mensahe. Parang takot akong makita muli ang pangalang hindi ko pa rin lubos na kayang isipin bilang akin: Vivian.Napa-upo ako sa kama, dahan-dahang hinila ang comforter, at naglakad patungo sa bintana.Naka-lock na ang terrace door. Hindi ko maalalang nilock ko iyon kagabi, pero hindi na rin ako nagulat.Lockdown, sabi ni Victor.At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, ang salitang iyon ay hindi nagdulot n
Last Updated : 2026-10-21 Read more