Pagbalik ko sa kwarto, nakaupo lang ako sa kama at nakatitig sa kurtina, parang hinihintay kong may magsabi na “joke lang,” na mali ang resulta, na hindi ako biglang naging “sister” ng taong halos kakakilala ko lang pero parang matagal nang kilala ng dibdib ko.May kumatok, tatlong mahinang tunog, sakto lang para hindi ako mabigla.Pagbukas ko, si Kianna ang bumungad—hawak ang isang tray na may mainit na sabaw, tinapay, at tsaa.“Hindi ako magtatanong,” bungad niya, sabay taas ng kamay na parang sumusuko. “Pero kakain ka.”Napatitig ako sa kanya, tapos doon ko lang naramdaman na nanginginig pala yung daliri ko.“Okay lang,” sabi ko, kahit hindi ko sure kung kanino ko sinasabi.Tumango siya, pumasok nang walang paalam, inilapag ang tray sa mesa, saka umupo sa kabilang dulo ng kama na parang alam niyang kapag lumapit siya masyado, baka lalo akong manikipan.“Si Victor?” tanong ko, mahina.“May inaasikaso,” sagot niya, hindi nagbiro. “Alam mo naman ’yon. Kapag umandar na utak niya, paran
Last Updated : 2026-10-22 Read more