Ang Grand Ballroom ng Shangri-La ay napuno ng nakakabinging bulungan, tunog ng mga nag-uumpugang kristal na baso ng champagne, at ang sunod-sunod na pagkislap ng mga camera mula sa media wall. Narito ang crème de la crème ng lipunan—mga dayuhang diplomat, mga bilyonaryong tycoon, at mga pamilyang mayayamang tradisyon. At sa gitna ng marangyang karagatan na ito, kailangan kong gampanan ang aking tungkulin.Bilang asawa ni Harold Altamirano."Mrs. Altamirano, two minutes po bago kayo tawagin sa stage," bulong ng stage manager sa gilid ko habang inaayos ang lapel mic na nakakabit sa likod ng gown ko.Tumango ako nang bahagya, pinananatili ang postura ko, tuwid langang tayo at seryoso lang ang m,ukha ko, at paminsan minsang ngingiti. Pero sa loob-loob ko, parang may masong pumupukpok sa dibdib ko. Ramdam ko ang bigat ng emerald at diamond necklace sa leeg ko dahil hindi mawala sa isip ko iyong message kagabi at ngayon.Hinanap ng mga mata ko si Hansell sa malawak na ballroom, hindi ko ala
Zuletzt aktualisiert : 2026-07-19 Mehr lesen