Dahan-dahan akong inihiga ni Hansell sa malambot at dambuhalang kama ng presidential suite. Sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang umiikot ang buong kwarto dahil sa tindi ng migraine.Imbes na samantalahin ang pagkakataon na tulad ng karaniwan niyang ginagawa, Hansell smoothly kneeled sa sahig sa gilid ng kama. Walang ingay niyang hinubad ang high heels ko, bago niya hinila ang kumot para takpan ang katawan ko hanggang balikat. Lumabas siya sandali at bumalik na may dalang baso ng tubig, gamot, at isang basang tuwalya."Inumin mo muna 'to," pormal at malalim niyang utos, dahan-dahang inangat ang likod ng ulo ko para painumin ako.Matapos kong malunok ang gamot, marahan niyang inilagay ang malamig at basang tuwalya sa noo ko. Ang malalapad at magagaspang niyang palad ay marahang dumampi sa gilid ng mukha ko, smoothing away the stray hairs sa mukha ko nang may kakaibang lambot."Bakit mo 'to ginagawa, Hansell?" mahina kong tanong, nakatitig sa seryoso niyang mukha sa ilalim n
Zuletzt aktualisiert : 2026-07-17 Mehr lesen