MATALIM ang mga mata ni Zach, kuyom ang kanyang kamao habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan. "Hindi maari, Anastacia. Babalik ako para mabawi ka. Alam ko na si Ethan Monteverde ang gusto mo at along hindi ako papayag..." nausal ni Zach sa isip. Nang makalabas ng bahay ay dumiretso siya sa loob ng kanyang sasakyan at binuhay ang makina at pinaharurot ng mabilis ang kotse niya. Napatingin si Anastacia sa kanyang mga anak na tahimik na naglalaro. "Mas maganda na sabihin mo kay Ethan ang tungkol kay Zach," sabi ni Victoria. "Mom, bakit pa? Ang sa amin ni Zach ay sa amin lang. Labas si Ethan sa problema namin." "Pero, may karapatan si Ethan na malaman ang ginagawa ni Zach. Baka kasi magkaroon ng hindi magandang impression." Napabuntong-hininga si Anastacia. "Mom, wala naman akong ginagawa. Si Zach ang lumapit sa akin. Hindi ko naman siya binigyan ng dahilan para isipin niyang may pagkakataon pa siya." "Alam ko, Anastacia. Pero hindi lang ikaw ang sangkot dito. May mga anak
Last Updated : 2026-10-03 Read more