ERIN'S POV Lumapit si Killian. At ako? Hindi ako umatras. Bawat pulgada na nilalapit niya ay siya ring pagbilis ng tibok ng dibdib ko. Naririnig ko na ang sarili kong paghinga. Ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya, at nang tuluyan nang mabura ang distansya sa pagitan naming dalawa, napasinghap ako. Ang lapit niya. Sobrang lapit. Amoy ko ang pabango niya. Malinis, mainit, may halong mint at something deeper na parang siya lang ang mayroon. Ang hininga niya, mainit at mabango, dumadampi sa balat ko, sa pisngi ko, sa gilid ng labi ko. Hindi ko alam kung ako ba ang nanginginig o siya. He stared at me intently. Ganoon din ako. Hindi ko maiwasang titigan ang mga mata niya, madilim, malalim, puno ng kung anong hindi niya masabi. Pero bumaba ang tingin niya, dahan-dahan. Mula sa mata ko, pababa sa ilong ko, at huminto sa labi ko. Doon na bumigay ang lahat ng pagpipigil ko. Hindi ko na hinintay pa. Hindi ko na pinatagal ang paghihirap naming dalawa. Ako na mismo ang kumilos.
Last Updated : 2026-10-08 Read more