ERIN'S POV Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na iyon. Killian was all I could feel, pero bigla akong natauhan. Dahan-dahan ko siyang itinulak. Napahinto siya. Nagtagpo ang mga mata namin, at nakita ko ang bahagyang pagkalito sa mukha niya. Hindi dahil ayaw ko at iyon ang problema dahil gusto ko..At alam kong kung hindi ako titigil ngayon, hindi ko na alam kung saan hahantong ang lahat. “Erin…” Umiling ako at mabilis na iniwas ang tingin. “I…” Hindi ko natapos ang sasabihin. Sa halip, agad kong inabot ang wine bottle na nasa maliit na mesa sa tabi namin. Kailangan ko ng distraction, kahit ano. Kaya walang pag-aalinlangan kong tinungga ang wine bottle. “Erin, wait-” Pero nakainom na ako, ang pamilyar na lasa ng red wine ay dumaloy sa lalamunan ko. At bago ko namalayan, halos kalahati na ng laman ng bote ang nainom ko. Nang ibaba ko iyon, bahagya akong napangiwi. “Wow,” bulong ko. “That was probably not a good idea.” Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga. “
Last Updated : 2026-09-10 Read more