ERIN'S POV Tahimik na napuno ng amoy ng mantikang umiinit ang kusina. Tinupi ko ang manggas ng oversized cardigan ko bago hinanap ang mga ingredients sa refrigerator. "May itlog pa pala kayo," natatawa kong sabi nang makita ang halos kalahating tray pa nito. Napasinghap si Hershey. "Daddy killed many of them." Napatawa ako. Hindi ko na napigilang mapalingon sa lalaki. Nakasandal lang siya sa kitchen island. Naka-cross ang mga braso habang tahimik akong pinagmamasdan. Parang supervisor. O baka... Judge. "Don't worry," nakangiti kong sabi. "Hindi ko uubusin ang natitira." Hindi siya sumagot. Kinuha ko ang ilang itlog, sibuyas, carrots, spring onions at hotdog. "Hershey." "Yes!" "Can you wash your hands first? Tapos tutulungan mo ako." sabi ko sa bata. Agad siyang tumakbo papunta sa sink. "I'll help!" Napangiti ako. "Good girl." Habang hinihiwa ko ang mga gulay, napansin kong tahimik pa ring nakatingin sa akin ang lalaki. Ramdam ko ang tingin niya. Hindi n
Huling Na-update : 2026-07-19 Magbasa pa