ERIN'S POV Hindi ko namalayang lumipas na ang oras habang nanonood kami. Nang matapos ang pelikula, mahimbing nang nakatulog si Hershey sa sofa. Nakayakap pa rin ito sa maliit nitong unan habang bahagyang nakabuka ang bibig. Napangiti ako. "Sweet dreams, little princess." Bago ko pa siya tuluyang ayusin sa sofa, nakita kong lumapit si Killian. Tahimik siyang yumuko at maingat na binuhat ang anak. Halos hindi gumalaw si Hershey. Para bang sanay na sanay ito sa mga bisig ng ama. "Good night, Daddy," mahina nitong bulong kahit halos tulog na. "Good night." Malalim at mababa ang boses ni Killian. Saglit na nagtagpo ang mga mata namin ngunit wala siyang sinabi, nang alisin niya ang tingin akin saka lang siya naglakad patungo sa silid ng anak. Pinanood ko siya hanggang sa tuluyan siyang nakapasok sa silid. Napabuntong-hininga ako saka binalingan ang sala. "Okay, Erin. Time to clean up." bulong ko sa sarili. Nagsimula akong magligpit. May mga popcorn na nagkalat sa carpet
Huling Na-update : 2026-08-10 Magbasa pa