Third Person POV...Sa loob ng isang eleganteng bar sa Makati, puno ng malamig na ilaw at mahinang tugtog ng live band, nakaupo sina Astrid at Zerine sa isang high table malapit sa malaking salamin na bintana. Si Zerine ay paulit-ulit na tumitingin sa entrance, bahagyang nakakunot ang noo habang hinihintay ang kanyang boyfriend na hanggang ngayon ay wala pa."Grabe ha, ang ganda mo ngayon girl!!" puno ng paghanga na sabi ni Zerine habang tinitigan si Astrid mula ulo hanggang paa. "Parang may glow ka ah. Ano'ng sikreto mo? Bagong skincare?"Natawa si Astrid... Umiling."Ikaw din naman, ang sexy mo pa rin."Umupo si Astrid nang maayos sa stool at inayos ang kanyang dress. Si Zerinenaman ay umiling habang nakangiti."Hmm... parang kailan lang nene ka pa na sumasama sa amin ni Brittany. Ngayon girl, iba na! Dalaga na talaga. Grown woman na talaga. Tignan mo nga, ang confident mo na. Parang ready ka na sa totoong pag-ibig," natatawang sabi ni Zerine.Natawa rin si Astrid at tumingin sa pa
آخر تحديث : 2026-08-02 اقرأ المزيد