ASTRID POV...Malakas na umalingawngaw ang boses ni Tita Ara sa malawak na bakuran—masigla at puno ng awtoridad—at opisyal nang nagsimula ang taunang paligsahan.Ang unang laro ay arm wrestling.Nakapuwesto ang mga mesa sa ilalim ng lilim ng matataas na puno ng niyog. Isa-isang lumapit ang mga lalaki mula sa iba’t ibang angkan, nagtatawanan, nang-aasar, at nagsisipagrolyo ng manggas. Nang si Nemesis na ang turn, isang tahimik na pag-ugong ang dumaan sa mga tao. May ilan na mukhang natutuwa. May mga nagdududa. At may iilan ding lantaran ang pagkamuhi sa kanilang mga tingin.Tahimik na umupo si Nemesis.Ang kalaban niya—isang malapad ang balikat na lalaki mula sa isa sa mga kaalyadong angkan—ay kumpiyansang ngumisi habang mahigpit na ikinulong ang kamay nito sa kamay ni Nemesis. Nagbigay ng senyas ang referee.Wala pang tatlong segundo, tapos na.Ni hindi man lang nagmukhang nag-effort si Nemesis. Halos hindi gumalaw ang braso niya, ngunit tuluyang bumagsak sa mesa ang pulsuhan ng kalab
آخر تحديث : 2026-08-24 اقرأ المزيد