Astrid POV...Pagkalabas ko ng kwarto ni Elena, hindi na ako lumingon pa.Diretso akong naglakad papunta sa sarili kong kwarto.Mabigat ang bawat hakbang ko, para bang may kung anong pumipigil sa akin na umalis. Para bang may humihila sa dibdib ko pabalik sa lugar na iniwan ko—kay Elena, kay Nemesis, sa mga salitang hindi ko dapat ikasakit…Pero huli na.Masakit.Napahawak ako sa ulo ko nang mariin, pilit na pinipigilan ang sarili kong mag-isip pa.Ngunit hindi ko mapigilan.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga tanong na ayokong marinig kahit mula sa sarili kong isipan.Ilang taon…Ilang taon akong nawala?Ilang taon silang magkasama ni Elena?Nanikip ang dibdib ko habang pilit kong hinahanap ang sagot sa mga bagay na hindi ko naman gustong malaman.Pero may isang tanong na paulit-ulit na sumisira sa akin.“Naghalikan na ba sila?”Napapikit ako nang mariin sa sarili kong mga naiisip.Pagpasok ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto.Sandali akong sumandal doon, pilit inaayos
آخر تحديث : 2026-08-07 اقرأ المزيد