"MANONG, SANDALI LANG PO!" sigaw ni Claire habang kumakaway sa papaalis na taxi.Agad namang huminto ang sasakyan at ibinaba ng drayber ang bintana."Pasensya na po, ma'am. Akala ko rito na po kayo bababa.""Pakihintay lang po sandali,"Napakamot sa batok ang drayber bago nag-alanganing ngumiti."Naku, pasensya na po talaga. May susunod pa po kasi akong booking. Kapag naghintay ako rito nang mas matagal, baka ma-late naman ang susunod kong pasahero."Tumango si Claire bilang pag-unawa."Ayos lang po. Maraming salamat."Nginitian pa niya ang lalaki bago ito tuluyang umalis. Nauunawaan niyang naghahanap-buhay lamang ito at ayaw niyang maging dahilan ng abala.Pagkaalis ng taxi ay saka lamang niya napagtantong wala na siyang masasakyang pauwi.Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang paper bag na naglalaman ng strawberry ice cream para kay Lily."Great..."Inilibot niya ang tingin sa magkabilang panig ng kalsada, umaasang may paparating na bakanteng taxi. Ngunit ilang minuto na
آخر تحديث : 2026-07-24 اقرأ المزيد