LOGIN"LILY!"
Halos mawalan ng lakas si Claire nang makita ang anak na nakaupo sa customer service counter habang yakap pa rin ang paborito nitong teddy bear. "Mommy!" Agad na tumalon si Lily mula sa upuan at tumakbo papunta sa kanya. Mahigpit niya itong niyakap. Napapikit si Claire habang nanginginig ang mga kamay. She's really worried. Akalang may masamang nangyari sa anak. "Never... ever do that again," paos niyang sabi. "Alam mo ba kung gaano ako natakot?" Humagulgol si Lily. "I'm sorry, mommy. I didn't mean to." Hindi napigilan ni Claire ang sariling maluha. Ilang minuto niyang hinanap ang anak sa bawat tindahan, bawat pasilyo, bawat palapag ng mall. Kung hindi dahil sa announcement ng customer service, hindi niya alam kung saan niya pa ito hahanapin. Lumayo siya nang bahagya upang tingnan ang mukha ng bata. "May nanakit ba sa'yo?" Umiling ito. "May nagdala ba sa'yo kung saan?" Muli itong umiling. "Who found you?" Tinuro ni Lily ang direksyong nilakaran ng lalaking tumulong rito. "A handsome uncle." Napalingon si Claire. Pero ang nakita niya ay ang matangkad na lalaking papasok sa isang pribadong elevator kasama ang marahil na assistant nito. And somewhat she feels familiarity. Sinundan niya iyon ng pag-iling. Tanging likod lamang nito ang naaninag niya at hindi nakita ang mukha. "Gusto kong magpasalamat sa kanya, mommy." Napabuntong-hininga si Claire. "Maybe next time." Lumapit ang customer service officer. "Ma'am, mabuti na lang po at nakita siya ng isang gentleman. Siya po mismo ang nagdala ng anak mo rito sa amin." "Thank you." Aniya. "Actually, ayaw pa nga niyang iwanan ang anak ninyo hangga't hindi kayo dumarating." Napatigil si Claire. Hindi niya inaasahang may ganoon pa palang klaseng tao ang handang tumulong kagaya sa kaso ni Lily. "May I know his name?" Nagbabakasakaling malaman niya. Nag-alangan ang babae. "I'm sorry, ma'am. Hindi po kami maaaring magbigay ng personal information ng customer." Ngumiti na lang siya. "I understand." Muli niyang hinawakan ang maliit na kamay ni Lily. "Let's go home." Tumango ang bata. Paglabas nila ng mall, hindi namalayan ni Claire na mula sa ikalimang palapag ay may pares ng mga matang tahimik na nakamasid sa dinaraanan nilang mag-ina. Nakatayo roon ang lalaking tumulong kay Lily. He's looking directly at the view right before his eyes. Hindi ng lalaki napansin ang dalawang bulto ng taong magkahawak ang mga kamay. Nakatingala ito sa alapaap. Malalim ang iniisip. Saka nito narinig ang boses ng assistant sa likuran. "Sir." Lumapit ito. "With all due respect, it was your first time sending help from a lost kid." Tahimik ang lalaki. May kung anong kakaibang pakiramdam ang gumugulo sa dibdib nito. Hindi nito maipaliwanag. Hindi naman nito kilala ang bata. Pero bakit pakiramdam nito ay parang may koneksiyon ito roon? "Let's go." Aniya. Tumango ang assistant. Kasabay nilang isinara ang p***o ng VIP elevator. •••• Tahimik na kumakain sina Claire at Lily sa maliit nilang apartment. Masaya ang bata habang ikinukuwento ang nangyari. "Mommy, mabait po talaga 'yong uncle." "Hmm?" Hinimay niya ang bawat pagsubo. "Ang bango niya." Napahinto si Claire. "Bango?" "Opo." Napatawa siya. "Ano pa?" "Malaki po siya." She tilted her head saka nagkibit-balikat. "Yeah, I can imagine." "Tapos," Nag-isip si Lily. "Parang familiar." Napatigil si Claire. "What do you mean?" "I don't know." Nagkibit-balikat ang bata. "Parang nakita ko na siya." Pinisil ni Claire ang pisngi nito. "Saan mo naman makikita iyon? Ngayon ka lang nakabalik ng Pilipinas." "I don't know." Tumango na lang siya. Marahil ay likas lang talagang palakaibigan ang anak. Matapos silang kumain ay pinatulog niya ito. Ilang minuto lang ay mahimbing na ang tulog ni Lily. Samantalang siya. Hindi pa rin dinadalaw ng antok. Lumabas siya sa balkonahe. Mula roon ay tanaw niya ang kumikislap na ilaw ng siyudad. Seven years. Pitong taon na pala. Marami nang nagbago. Maliban sa isang bagay. Ang sugat sa puso niya. Napahawak siya sa dibdib. Hindi niya malilimutan ang araw na pinalayas siya ni Alexander Hayes. Hindi niya malilimutan kung paano siya pinapirma sa divorce papers na para bang wala silang pinagsamahan. At lalong hindi niya malilimutan ang babaeng nakatayo sa likuran nito. Ang babaeng unang minahal ni Alexander. Napapikit siya. "No..." Mahina niyang bulong. "Hindi na ako ang dating Claire." Hindi na siya ang babaeng umiiyak gabi-gabi. Hindi na siya ang babaeng naghihintay ng pagmamahal ng asawa. Ngayon... Nakamove on na siya. Naipalaki niya nang maayos si Lily. Marangal siyang magulang bilang ama at ina ng bata. Higit sa lahat ay proud siya sa sarili niya. Mahirap man ang kanyang pinagdaanan, natutuwa naman siya sa kinalabasan. Bumalik siya sa loob at tumabi ng higa kay Lily. ••••••••••••• Sa pinakamataas na palapag ng Hayes Corporation. Tahimik na nakatanaw sa bintana si Alexander Hayes. Suot pa rin nito ang mamahaling suit habang hawak ang isang baso ng whisky. "Sir." Pumasok ang assistant nito. "Nandito na po ang report na pinapagawa ninyo." "Hmm." Maikli nitong tugon "Inaprubahan na po ng board ang expansion project." "Good." May iniabot pang isa ang assistant. "And one more thing." Hindi si Alexander lumingon. "What is it?" "The international architect from Singapore has officially accepted the project." Napataas ang kilay ni Alexander. "I thought she declined before." "She changed her mind." "What's her name?" Binuksan ng assistant ang folder. Nagbasa. "Claire Bennett." Saglit na natigilan ang assistant. Napansin nitong tila nanigas ang amo nito sa kinauupuan. Unti-unti itong lumingon sa assistant. "Ano ang sinabi mo?" "Claire Bennett, sir." Nanigas ang ekspresyon ni Alexander. Klaro nitong narinig. Hindi. Imposible. Hindi maaaring siya iyon. Maraming Claire sa mundo. At ang Claire na kilala nito ay matagal nang nawala sa buhay nito. "Continue." "She's currently residing in Manila and will personally supervise the project." Tahimik ang buong opisina. Hindi malaman ng assistant kung bakit tila biglang bumigat ang hangin. Pagkalipas ng ilang segundo... "Schedule a meeting." "Tomorrow?" "No." Tumalikod si Alexander. "Make it as soon as possible." "Yes, sir." Pagkaalis ng assistant ay naiwan itong mag-isa. Hindi nito alam kung bakit. Pero mula nang marinig nito ang pangalang iyon, parang may bahagi ng puso nitong matagal nang natutulog ang biglang nagising. Habang si Alexander ay tahimik na nakatanaw sa nagliliwanag na skyline ng Maynila mula sa kanyang opisina, si Claire naman ay nakaupo sa gilid ng kama ni Lily. Marahan niyang hinaplos ang noo nito bago hinila ang kumot upang mas maayos itong matakpan. "Good night, my princess," mahina niyang bulong. Humalik siya sa noo ng anak bago tuluyang lumabas ng silid. Pagkasara ng p***o ay saka lamang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Naglakad siya patungo sa sala at binuksan ang laptop na dala pa niya mula sa Singapore. Sunod-sunod ang mga e-mail na naghihintay ng kanyang tugon. Karamihan ay tungkol sa bagong proyekto na hahawakan niya sa Pilipinas. Tahimik niyang binuksan ang contract file. Nang mabasa ang pangalan ng kumpanya ay bahagya siyang natigilan. Hayes Corporation. Mahigpit na napahawak si Claire sa mouse. Parang bumalik ang lahat ng alaalang pilit niyang ibinaon sa nakaraan. Ang malamig na tingin ni Alexander. Ang divorce papers na walang pag-aalinlangan nitong ipinaharap sa kanya. At ang araw na iniwan niya ang Pilipinas habang dinadala sa sinapupunan ang anak nilang hindi nito nalaman. Napapikit siya. "Hindi ito ang tamang panahon para panghinaan ng loob," mahinahon niyang sabi sa sarili. Tinanggap niya ang proyektong ito dahil isa iyon sa pinakamalaking oportunidad sa kanyang karera. Isa pa, wala naman siyang balak makipagkita kay Alexander. Bilang lead architect, sapat nang makipag-ugnayan siya sa project managers at board members ng kompanya. Hindi na nila kailangang magkita. Hindi na. Huminga siya nang malalim bago isinara ang laptop. •••••••••• Sa mansyon ng pamilya Hayes ay kararating lamang ni Alexander. Tahimik nitong tinanggal ang necktie at ibinigay iyon sa kasambahay. Pero hindi pa man ito nakakaakyat sa ikalawang palapag ay sinalubong na ito ng isang pamilyar na boses. "Alexander." Huminto ito. Mabagal na lumingon. Nakatayo sa ikalawang hagdanang palapag si Sophia Monroe, ang babaeng minsan nitong piniling ipaglaban kahit kapalit ang kalayaan ng sarili nitong kasal. Ngumiti ang babae habang naglalakad palapit rito. "Narinig kong may bago kang project partner mula sa Singapore." Hindi sumagot si Alexander. Hindi nito maipaliwanag kung bakit, ngunit mula nang marinig nito ang pangalang Claire Bennett, tila may bahagi ng nakaraan nito ang pilit na kumakatok sa isipan nito. At sa unang pagkakataon matapos ang pitong taon ay hindi na ito mapalagay."MANONG, SANDALI LANG PO!" sigaw ni Claire habang kumakaway sa papaalis na taxi.Agad namang huminto ang sasakyan at ibinaba ng drayber ang bintana."Pasensya na po, ma'am. Akala ko rito na po kayo bababa.""Pakihintay lang po sandali,"Napakamot sa batok ang drayber bago nag-alanganing ngumiti."Naku, pasensya na po talaga. May susunod pa po kasi akong booking. Kapag naghintay ako rito nang mas matagal, baka ma-late naman ang susunod kong pasahero."Tumango si Claire bilang pag-unawa."Ayos lang po. Maraming salamat."Nginitian pa niya ang lalaki bago ito tuluyang umalis. Nauunawaan niyang naghahanap-buhay lamang ito at ayaw niyang maging dahilan ng abala.Pagkaalis ng taxi ay saka lamang niya napagtantong wala na siyang masasakyang pauwi.Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang paper bag na naglalaman ng strawberry ice cream para kay Lily."Great..."Inilibot niya ang tingin sa magkabilang panig ng kalsada, umaasang may paparating na bakanteng taxi. Ngunit ilang minuto na
ISINANDAL NI CLAIRE ang likuran sa pinto matapos itong tuluyang magsara. Noon lamang niya naramdaman ang panginginig ng kanyang mga tuhod, na para bang saka lamang kumawala ang tensiyong kanina pa niya pilit kinokontrol.She couldn't believe it.Nakaya niya.Nakaya niyang harapin si Alexander Hayes nang hindi nanginginig ang boses. Nakaya niyang i-presenta ang project proposal ng buong kompanya nang walang bahid ng pag-aatubili, kahit halos magulo ang bawat tibok ng kanyang puso sa buong oras na naroon siya sa conference room.Of course, she was nervous.Sino ba naman ang hindi matitinag kapag kaharap ang lalaking minsang naging buong mundo niya?Dahan-dahan siyang lumingon sa nakasaradong pinto. Alam niyang naroon pa rin si Alexander sa kabilang panig, marahil ay may napagtantong bagay dahil sa kanilang napag-usapan. Ngunit wala na siyang balak bumalik.Para saan pa?Pitong taon na ang lumipas mula nang iwan niya ang bansang ito. At kung isasama ang limang taon nilang pagsasama bilan
TAHIMIK NA ISINARA ni Claire ang tablet at inayos ang mga dokumento. Hindi nito kailangang lumingon upang maramdaman ang titig ni Alexander."Claire."Huminto ang mga kamay ng dalaga. Dahan-dahan itong tumingin sa kanya.She took all the courage beforeanswering."Yes, Mr. Hayes?"Saglit na natigilan siya sa malamig at pormal nitong pagtawag sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita."It's really you." Aniya.Nanatiling kalmado ang mukha ni Claire. "I believe we have already confirmed that during the meeting."Hindi inaasahan ni Alexander ang ganoong ka-simpleng sagot."How have you been?" mahina niyang tanong.Bahagyang ngumiti si Claire, ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon."I've been doing well."Sa maikling sagot na iyon, malinaw kay Alexander na hindi na siya ang taong may karapatang magtanong tungkol sa buhay nito. Ang dating asawa niya ay isa nang ganap na estranghero.Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila.Hindi iyon ang dating katahimikang puno ng
TAHIMIK ANG BUONG MANSYON ng pamilya Hayes. Tanging ang mahinang kalansing ng crystal chandelier at ang tunog ng sapatos ni Sophia Monroe sa marmol na sahig ang naririnig. Huminto ang dalaga sa harapan niya. "May problema ba?" maingat nitong tanong habang pinagmamasdan ang kanyang seryosong mukha. Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng nasa harapan, pero malinaw na wala sa kaharap ang isip niya. Naglalakbay ito sa ibang dimensyon. Mula nang marinig niya ang pangalang Claire Bennett, hindi naging normal ang kilos niya at hindi mapakali. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ni Alexander ang dating asawa. Ang babaeng minsang pinakasalan niya. Ang babaeng iniwan niya pitong taon ang nakalipas. At ang babaeng pinaniwalaan niyang tuluyan nang nawala sa buhay niya. "Alexander." Muli siyang tinawag ni Sophia. Bahagyang kumurap siya bago ibinalik ang tingin rito. "You're spacing out." "I'm fine." Pero alam ni Sophia na nagsisinungaling ito. Pitong taon silang
"LILY!"Halos mawalan ng lakas si Claire nang makita ang anak na nakaupo sa customer service counter habang yakap pa rin ang paborito nitong teddy bear."Mommy!"Agad na tumalon si Lily mula sa upuan at tumakbo papunta sa kanya.Mahigpit niya itong niyakap.Napapikit si Claire habang nanginginig ang mga kamay. She's really worried. Akalang may masamang nangyari sa anak."Never... ever do that again," paos niyang sabi. "Alam mo ba kung gaano ako natakot?"Humagulgol si Lily. "I'm sorry, mommy. I didn't mean to."Hindi napigilan ni Claire ang sariling maluha. Ilang minuto niyang hinanap ang anak sa bawat tindahan, bawat pasilyo, bawat palapag ng mall. Kung hindi dahil sa announcement ng customer service, hindi niya alam kung saan niya pa ito hahanapin.Lumayo siya nang bahagya upang tingnan ang mukha ng bata."May nanakit ba sa'yo?" Umiling ito."May nagdala ba sa'yo kung saan?" Muli itong umiling."Who found you?"Tinuro ni Lily ang direksyong nilakaran ng lalaking tumulong rito."A ha
ISANG PRIBADONG JET ang marahang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport.Nagbukas ang pinto nito.Unang lumabas ang isang maliit na batang babae na may mahaba at kulot na buhok. Suot nito ang puting dress at maliit na sumbrero habang mahigpit na yakap ang paborito nitong teddy bear."Mommy!" masiglang tawag nito.Agad na lumabas si Claire.Suot niya ang isang simpleng beige pantsuit, manipis na salamin, at hindi gaanong mataas na takong. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at bakas sa mukha ang kumpiyansang hindi taglay ng dati niyang sarili.Proud na nakatingin sa kanya ang batang babae. Kinuha nito ang kamay niya."You're always pretty, mommy."Sabay silang bumaba ng bata. It's been seven years. Marami ang nagbago.Habang iginala ni Claire ang paningin ay sariwa pa sa alaala niya kung paano siya nagkukumahog pumasok sa airport na 'to makaalis lang ng bansa.Ngayong nakabalik na siya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya. Sa kanila. Kasama ang anak na babaeng si Li







