INICIAR SESIÓN"MANONG, SANDALI LANG PO!" sigaw ni Claire habang kumakaway sa papaalis na taxi.Agad namang huminto ang sasakyan at ibinaba ng drayber ang bintana."Pasensya na po, ma'am. Akala ko rito na po kayo bababa.""Pakihintay lang po sandali,"Napakamot sa batok ang drayber bago nag-alanganing ngumiti."Naku, pasensya na po talaga. May susunod pa po kasi akong booking. Kapag naghintay ako rito nang mas matagal, baka ma-late naman ang susunod kong pasahero."Tumango si Claire bilang pag-unawa."Ayos lang po. Maraming salamat."Nginitian pa niya ang lalaki bago ito tuluyang umalis. Nauunawaan niyang naghahanap-buhay lamang ito at ayaw niyang maging dahilan ng abala.Pagkaalis ng taxi ay saka lamang niya napagtantong wala na siyang masasakyang pauwi.Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang paper bag na naglalaman ng strawberry ice cream para kay Lily."Great..."Inilibot niya ang tingin sa magkabilang panig ng kalsada, umaasang may paparating na bakanteng taxi. Ngunit ilang minuto na
ISINANDAL NI CLAIRE ang likuran sa pinto matapos itong tuluyang magsara. Noon lamang niya naramdaman ang panginginig ng kanyang mga tuhod, na para bang saka lamang kumawala ang tensiyong kanina pa niya pilit kinokontrol.She couldn't believe it.Nakaya niya.Nakaya niyang harapin si Alexander Hayes nang hindi nanginginig ang boses. Nakaya niyang i-presenta ang project proposal ng buong kompanya nang walang bahid ng pag-aatubili, kahit halos magulo ang bawat tibok ng kanyang puso sa buong oras na naroon siya sa conference room.Of course, she was nervous.Sino ba naman ang hindi matitinag kapag kaharap ang lalaking minsang naging buong mundo niya?Dahan-dahan siyang lumingon sa nakasaradong pinto. Alam niyang naroon pa rin si Alexander sa kabilang panig, marahil ay may napagtantong bagay dahil sa kanilang napag-usapan. Ngunit wala na siyang balak bumalik.Para saan pa?Pitong taon na ang lumipas mula nang iwan niya ang bansang ito. At kung isasama ang limang taon nilang pagsasama bilan
TAHIMIK NA ISINARA ni Claire ang tablet at inayos ang mga dokumento. Hindi nito kailangang lumingon upang maramdaman ang titig ni Alexander."Claire."Huminto ang mga kamay ng dalaga. Dahan-dahan itong tumingin sa kanya.She took all the courage beforeanswering."Yes, Mr. Hayes?"Saglit na natigilan siya sa malamig at pormal nitong pagtawag sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita."It's really you." Aniya.Nanatiling kalmado ang mukha ni Claire. "I believe we have already confirmed that during the meeting."Hindi inaasahan ni Alexander ang ganoong ka-simpleng sagot."How have you been?" mahina niyang tanong.Bahagyang ngumiti si Claire, ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon."I've been doing well."Sa maikling sagot na iyon, malinaw kay Alexander na hindi na siya ang taong may karapatang magtanong tungkol sa buhay nito. Ang dating asawa niya ay isa nang ganap na estranghero.Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila.Hindi iyon ang dating katahimikang puno ng
TAHIMIK ANG BUONG MANSYON ng pamilya Hayes. Tanging ang mahinang kalansing ng crystal chandelier at ang tunog ng sapatos ni Sophia Monroe sa marmol na sahig ang naririnig. Huminto ang dalaga sa harapan niya. "May problema ba?" maingat nitong tanong habang pinagmamasdan ang kanyang seryosong mukha. Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng nasa harapan, pero malinaw na wala sa kaharap ang isip niya. Naglalakbay ito sa ibang dimensyon. Mula nang marinig niya ang pangalang Claire Bennett, hindi naging normal ang kilos niya at hindi mapakali. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ni Alexander ang dating asawa. Ang babaeng minsang pinakasalan niya. Ang babaeng iniwan niya pitong taon ang nakalipas. At ang babaeng pinaniwalaan niyang tuluyan nang nawala sa buhay niya. "Alexander." Muli siyang tinawag ni Sophia. Bahagyang kumurap siya bago ibinalik ang tingin rito. "You're spacing out." "I'm fine." Pero alam ni Sophia na nagsisinungaling ito. Pitong taon silang
"LILY!"Halos mawalan ng lakas si Claire nang makita ang anak na nakaupo sa customer service counter habang yakap pa rin ang paborito nitong teddy bear."Mommy!"Agad na tumalon si Lily mula sa upuan at tumakbo papunta sa kanya.Mahigpit niya itong niyakap.Napapikit si Claire habang nanginginig ang mga kamay. She's really worried. Akalang may masamang nangyari sa anak."Never... ever do that again," paos niyang sabi. "Alam mo ba kung gaano ako natakot?"Humagulgol si Lily. "I'm sorry, mommy. I didn't mean to."Hindi napigilan ni Claire ang sariling maluha. Ilang minuto niyang hinanap ang anak sa bawat tindahan, bawat pasilyo, bawat palapag ng mall. Kung hindi dahil sa announcement ng customer service, hindi niya alam kung saan niya pa ito hahanapin.Lumayo siya nang bahagya upang tingnan ang mukha ng bata."May nanakit ba sa'yo?" Umiling ito."May nagdala ba sa'yo kung saan?" Muli itong umiling."Who found you?"Tinuro ni Lily ang direksyong nilakaran ng lalaking tumulong rito."A ha
ISANG PRIBADONG JET ang marahang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport.Nagbukas ang pinto nito.Unang lumabas ang isang maliit na batang babae na may mahaba at kulot na buhok. Suot nito ang puting dress at maliit na sumbrero habang mahigpit na yakap ang paborito nitong teddy bear."Mommy!" masiglang tawag nito.Agad na lumabas si Claire.Suot niya ang isang simpleng beige pantsuit, manipis na salamin, at hindi gaanong mataas na takong. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at bakas sa mukha ang kumpiyansang hindi taglay ng dati niyang sarili.Proud na nakatingin sa kanya ang batang babae. Kinuha nito ang kamay niya."You're always pretty, mommy."Sabay silang bumaba ng bata. It's been seven years. Marami ang nagbago.Habang iginala ni Claire ang paningin ay sariwa pa sa alaala niya kung paano siya nagkukumahog pumasok sa airport na 'to makaalis lang ng bansa.Ngayong nakabalik na siya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya. Sa kanila. Kasama ang anak na babaeng si Li







