LOGIN
"Pirmahan mo na."
Ibinagsak ni Alexander Hayes ang divorce papers sa harapan ng asawa nito na para bang isa lamang iyong ordinaryong kontrata. Napatitig ang babae sa puting papel, ang mas masakit ay ang babaeng nakatayo sa likod nito ay ang unang pag-ibig nitong handa na nitong ipakilala bilang tunay na Mrs. Hayes. "Five years, Claire," malamig nitong sabi. "Tama na ang pagpapanggap." Mahigpit siyang kinuyom ang kamay sa ilalim ng mesa. Nanigas ang buo niyang katawan. Hindi dahil sa mga papel na nasa harapan nito. Kundi dahil sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Alexander Hayes, ang lalaking minsan nitong minahal nang higit pa sa sarili nito. "Tahimik ka?" malamig na tanong ng asawa habang nakapamulsa. "Akala ko ba ito ang gusto mo? Malaya ka na." Dahan-dahan na iniangat ng babae ang tingin. Suot ng lalaki ang kulay-abong suit na paborito niya noon. Ang parehong suit na pinili niya para sa ikatlong wedding anniversary nilang hindi naman nito dinaluhan dahil sa diumano'y isang "importanteng business meeting." Ngayon lang niya naisip na baka hindi negosyo ang pinuntahan ng lalaki noon. Tahimik na lumipad ang tingin niya sa babaeng matigas ang kapit sa braso ng asawang si Alexander Hayes. Ang babaeng kasalukuyang nakatayo sa likod ng asawa nito. Mahaba ang buhok nito, elegante ang tindig, at may bahagyang ngiti sa labi na tila ito ang nagwagi sa laban na hindi man lang niya alam na matagal na palang nagsimula. "Alexander..." mahina niyang tawag. Hindi man lang ito kumurap. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Busy ako." Busy. Palagi na lang itong busy. Busy sa kumpanya. Busy sa mga meeting. Busy sa lahat... Huminga siya nang malalim para pigilan ang panginginig ng boses. "Ganoon na lang ba kadaling tapusin ang limang taon nating pagsasama?" Bahagya itong napailing. Parang walang pakialam sa mararamdaman niya. "Hindi naman talaga nagsimula ang limang taon na iyon." Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib niya. "Alam mong napilitan lang akong pakasalan ka." Oo. Alam niya iyon. Dahil iyon ang paulit-ulit nitong ipinaramdam sa kanya simula pa noong araw ng kasal nila. Isa iyong arranged marriage. Pundasyon sila ng ganoong set-up. Not even once did Alexander Hayes laid an eye on her. Dalawang makapangyarihang pamilya ang nagkasundo upang pagsamahin ang kanilang mga negosyo. At siya... Siya ang naging kabayaran. Pinakasalan siya ng lalaking mahal ang ibang babae. Dahil naniwala siya na balang araw, matututo rin itong mahalin siya. Pero hindi iyon nangyari. Napakabobo niya. "Alexander," singit ng babae sa likuran nito. Malambing ang boses nito. "Huwag mo nang pahabain pa. Mukhang nahihirapan si Claire." Napatingin siya sa babae. Maganda ito. Mas maganda kaysa sa kanya. Mas bagay sa mundong ginagalawan ni Alexander. "Claire," muli nitong sabi habang nakatingin sa kanya na parang naaawa. "Hindi ko intensyong saktan ka. Pero matagal nang tapos ang relasyon ninyo." Napangiti siya nang mapait. Nakakatawa. Ang kabit pa ang may lakas ng loob na kaawaan ang tunay na asawa. "Salamat sa concern," malamig niyang tugon. Bahagya itong natigilan. Samantalang si Alexander ay tila naiinip na. "Pirmahan mo na." Muling itinulak ng lalaki ang mga dokumento palapit sa kanya. Napatitig si Claire sa papel. Nanginginig ang mga daliri niya. Hindi dahil ayaw niyang pumirma. Kundi dahil ilang oras pa lang ang nakalipas... Mahigpit niyang hawak ang maliit na sobre mula sa ospital. Positive. Pitong linggo. Buntis siya. Naalala niya pa ang sandaling iyon. Kaninang umaga, masaya siyang lumabas ng clinic habang hindi mapigilan ang pagluha. Akala niya... Akala niya iyon na ang magiging dahilan para magkaroon sila ng panibagong simula. Sa unang pagkakataon matapos ang limang taon... Pamilya na sila kung matatawag. Dahil may anak na sila. Buong biyahe papunta sa Hayes Mansion ay iniisip niya kung paano sasabihin sa lalaki. Bibili sana siya ng maliit na pares ng sapatos para iregalo rito dahil sa pag-aakalang matutuwa ito sa balitang dala niya. O baka isang ultrasound photo ang ilalagay niya sa isang kahon. Iniisip niya pa at pinag-aralan nang husto kung paano siya ngingiti. Kung yayakapin ba siya nito. Kung sa wakas ay makikita rin niya ang lalaking matagal niyang hinintay. Pero pagdating niya sa mansyon... Divorce papers ang sumalubong sa kanya Napapikit si Claire. Napakasakit palang mabasag ang pangarap sa loob lamang ng ilang segundo. "Claire." Napamulat siya. "Anong pa ang hinihintay mo?" Tinitigan niya ito. Kung sasabihin niya ba? Kung ipapaalam niya bang magkakaanak na sila, may magbabago kaya? Sandaling sumagi sa isip niya ang posibilidad. Baka magbago ang isip nito. Baka manatili ito at hindi na siya pilitin sa diborsiyong hindi pabor sa kanya. Pero agad ding nawala ang pag-asang iyon nang makita niyang awtomatikong hinawakan ni Alexander ang kamay ng babaeng nasa tabi nito. Natural. Komportable. Parang matagal na nila itong ginagawa. At doon ni Claire naunawaan ang lahat. Hindi siya nito pipiliin. Kahit may anak pa sila. Mananatili lang siyang malaking responsibilidad ng lalaki. At ayaw niyang lumaki ang magiging anak sa isang tahanang ang ama ay araw-araw na ipinapakitang hindi nito mahal ang ina ng anak nila. Mas gugustuhin niyang lumaki ang bata kahit hindi kilala o higit sa lahat ay kulang ng ama kaysa makita nitong kulang siya sa dignidad. Tahimik niyang isinara ang sobre sa loob ng bag. Hindi nito dapat malaman. Hindi deserving ni Alexander na malamang nagdadalantao siya. Kinuha ni Claire ang ballpen. Napalunok siya bago isinulat ang pangalan. Claire Bennett Hayes. Huminto ang kamay niya. Ilang segundo niyang tinitigan ang apelyidong "Hayes." Ito ang pangalang ipinagmamalaki niyang gamitin noon. Ngayon... Pakiramdam niya ay isa na lamang itong tanikala. Dahan-dahan niyang tinapos ang pirma. Pagkabitaw niya sa ballpen ay parang may bahagi ng puso niya ang tuluyang naputol. "Kuntento ka na?" tanong niya sa asawa. O tama pa bang asawa ang itatawag niya rito. Tinignan lamang ni Alexander ang papel bago ito isinara. "Good." Good. Iyon lang. Wala man lang "thank you." Wala ring "I'm sorry." Limang taon. Isang salitang "good" lang ang katumbas ng buong puso niya pagiging maybahay nito. Tumayo ito. "Sasabihan ka ng abogado tungkol sa settlement." "Hindi ko kailangan ang pera mo." Napahinto ito. "Excuse me?" "Sa iyo na ang lahat." Bahagya itong kumunot ang noo. "Huwag kang magdrama." Napangiti si Claire. "Hindi ito drama, Alexander." Tinanggal niya ang wedding ring sa daliri. Ilang segundo niya iyong pinagmasdan. Naalala ni Claire ang araw na isinuksok ni Alexander iyon sa daliri niya. Wala itong ngiti noon. Wala ring pagmamahal sa mga mata nito. Pero ngumiti pa rin siya. Dahil naniwala siyang balang araw... Magbabago ang lahat. Nagkamali siya. Pagak siyang natawa. Maingat niyang inilapag ang singsing sa ibabaw ng divorce papers. "Tapos na tayo." Tahimik ang buong opisina. Maging ang babae sa likod niya ay hindi nakapagsalita. Hindi niya na ang mga ito muling tiningnan. Humakbang siya papunta sa p***o. Sa bawat hakbang ay pakiramdam niya'y unti-unti niyang iniiwan ang limang taong paghihintay. Limang taong pag-asa. Limang taong pagmamahal sa lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya bilang asawa. Nang marating niya ang p***o, narinig niya ang mala-awtoridad na boses ni Alexander. "Claire." Huminto siya. Pero hindi ako lumingon. "Take care of yourself." Napapikit siya. Kung dati nito sinabi ang mga salitang iyon... Baka iba ang naging kwento nila ngayon. Pero ngayon... Huli na. "Hindi mo na kailangang mag-alala." Pagkasabi n'ya noon ay binuksan niya ang p***o at tuluyang lumabas. Paglabas ni Claire ng gusali, sinalubong siya ng malamig na hangin at makakapal na ulap. Ilang segundo pa lamang ang lumipas ay bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit hindi siya tumakbo. Hinayaan niya ang sariling mabasa. Kasabay ng bawat patak ng ulan ay ang mga luhang matagal niyang pinigilan. Mahigpit niyang niyakap ang tiyan. Napatingala sa madilim na kalangitan habang pilit na ngumiti kahit labis na nadurog ang puso sa diborsiyo nila ni Alexander Hayes. "Huwag kang matakot," mahina niyang bulong. "Narito si Mommy. Wala man tayong ama sa tabi natin..." Tuluyan siyang napahikbi. "Hinding-hindi kita pababayaan." Hindi niya alam na sa ikalawang palapag ng gusali, nakatanaw si Alexander sa malaking bintana. Hindi nito maipaliwanag kung bakit parang may mabigat na humahawak sa dibdib nito habang pinapanood siyang maglakad palayo sa gitna ng ulan. At lalong hindi nito alam... Na ang babaeng hinayaan nitong umalis sa gabing iyon ay ang babaeng tuluyang maglalaho sa landas nito dala ang lihim na hinding-hindi ni Claire kailanman ipapaalam rito."MANONG, SANDALI LANG PO!" sigaw ni Claire habang kumakaway sa papaalis na taxi.Agad namang huminto ang sasakyan at ibinaba ng drayber ang bintana."Pasensya na po, ma'am. Akala ko rito na po kayo bababa.""Pakihintay lang po sandali,"Napakamot sa batok ang drayber bago nag-alanganing ngumiti."Naku, pasensya na po talaga. May susunod pa po kasi akong booking. Kapag naghintay ako rito nang mas matagal, baka ma-late naman ang susunod kong pasahero."Tumango si Claire bilang pag-unawa."Ayos lang po. Maraming salamat."Nginitian pa niya ang lalaki bago ito tuluyang umalis. Nauunawaan niyang naghahanap-buhay lamang ito at ayaw niyang maging dahilan ng abala.Pagkaalis ng taxi ay saka lamang niya napagtantong wala na siyang masasakyang pauwi.Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang paper bag na naglalaman ng strawberry ice cream para kay Lily."Great..."Inilibot niya ang tingin sa magkabilang panig ng kalsada, umaasang may paparating na bakanteng taxi. Ngunit ilang minuto na
ISINANDAL NI CLAIRE ang likuran sa pinto matapos itong tuluyang magsara. Noon lamang niya naramdaman ang panginginig ng kanyang mga tuhod, na para bang saka lamang kumawala ang tensiyong kanina pa niya pilit kinokontrol.She couldn't believe it.Nakaya niya.Nakaya niyang harapin si Alexander Hayes nang hindi nanginginig ang boses. Nakaya niyang i-presenta ang project proposal ng buong kompanya nang walang bahid ng pag-aatubili, kahit halos magulo ang bawat tibok ng kanyang puso sa buong oras na naroon siya sa conference room.Of course, she was nervous.Sino ba naman ang hindi matitinag kapag kaharap ang lalaking minsang naging buong mundo niya?Dahan-dahan siyang lumingon sa nakasaradong pinto. Alam niyang naroon pa rin si Alexander sa kabilang panig, marahil ay may napagtantong bagay dahil sa kanilang napag-usapan. Ngunit wala na siyang balak bumalik.Para saan pa?Pitong taon na ang lumipas mula nang iwan niya ang bansang ito. At kung isasama ang limang taon nilang pagsasama bilan
TAHIMIK NA ISINARA ni Claire ang tablet at inayos ang mga dokumento. Hindi nito kailangang lumingon upang maramdaman ang titig ni Alexander."Claire."Huminto ang mga kamay ng dalaga. Dahan-dahan itong tumingin sa kanya.She took all the courage beforeanswering."Yes, Mr. Hayes?"Saglit na natigilan siya sa malamig at pormal nitong pagtawag sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita."It's really you." Aniya.Nanatiling kalmado ang mukha ni Claire. "I believe we have already confirmed that during the meeting."Hindi inaasahan ni Alexander ang ganoong ka-simpleng sagot."How have you been?" mahina niyang tanong.Bahagyang ngumiti si Claire, ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon."I've been doing well."Sa maikling sagot na iyon, malinaw kay Alexander na hindi na siya ang taong may karapatang magtanong tungkol sa buhay nito. Ang dating asawa niya ay isa nang ganap na estranghero.Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nila.Hindi iyon ang dating katahimikang puno ng
TAHIMIK ANG BUONG MANSYON ng pamilya Hayes. Tanging ang mahinang kalansing ng crystal chandelier at ang tunog ng sapatos ni Sophia Monroe sa marmol na sahig ang naririnig. Huminto ang dalaga sa harapan niya. "May problema ba?" maingat nitong tanong habang pinagmamasdan ang kanyang seryosong mukha. Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng nasa harapan, pero malinaw na wala sa kaharap ang isip niya. Naglalakbay ito sa ibang dimensyon. Mula nang marinig niya ang pangalang Claire Bennett, hindi naging normal ang kilos niya at hindi mapakali. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ni Alexander ang dating asawa. Ang babaeng minsang pinakasalan niya. Ang babaeng iniwan niya pitong taon ang nakalipas. At ang babaeng pinaniwalaan niyang tuluyan nang nawala sa buhay niya. "Alexander." Muli siyang tinawag ni Sophia. Bahagyang kumurap siya bago ibinalik ang tingin rito. "You're spacing out." "I'm fine." Pero alam ni Sophia na nagsisinungaling ito. Pitong taon silang
"LILY!"Halos mawalan ng lakas si Claire nang makita ang anak na nakaupo sa customer service counter habang yakap pa rin ang paborito nitong teddy bear."Mommy!"Agad na tumalon si Lily mula sa upuan at tumakbo papunta sa kanya.Mahigpit niya itong niyakap.Napapikit si Claire habang nanginginig ang mga kamay. She's really worried. Akalang may masamang nangyari sa anak."Never... ever do that again," paos niyang sabi. "Alam mo ba kung gaano ako natakot?"Humagulgol si Lily. "I'm sorry, mommy. I didn't mean to."Hindi napigilan ni Claire ang sariling maluha. Ilang minuto niyang hinanap ang anak sa bawat tindahan, bawat pasilyo, bawat palapag ng mall. Kung hindi dahil sa announcement ng customer service, hindi niya alam kung saan niya pa ito hahanapin.Lumayo siya nang bahagya upang tingnan ang mukha ng bata."May nanakit ba sa'yo?" Umiling ito."May nagdala ba sa'yo kung saan?" Muli itong umiling."Who found you?"Tinuro ni Lily ang direksyong nilakaran ng lalaking tumulong rito."A ha
ISANG PRIBADONG JET ang marahang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport.Nagbukas ang pinto nito.Unang lumabas ang isang maliit na batang babae na may mahaba at kulot na buhok. Suot nito ang puting dress at maliit na sumbrero habang mahigpit na yakap ang paborito nitong teddy bear."Mommy!" masiglang tawag nito.Agad na lumabas si Claire.Suot niya ang isang simpleng beige pantsuit, manipis na salamin, at hindi gaanong mataas na takong. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at bakas sa mukha ang kumpiyansang hindi taglay ng dati niyang sarili.Proud na nakatingin sa kanya ang batang babae. Kinuha nito ang kamay niya."You're always pretty, mommy."Sabay silang bumaba ng bata. It's been seven years. Marami ang nagbago.Habang iginala ni Claire ang paningin ay sariwa pa sa alaala niya kung paano siya nagkukumahog pumasok sa airport na 'to makaalis lang ng bansa.Ngayong nakabalik na siya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya. Sa kanila. Kasama ang anak na babaeng si Li







